Ika-5 ng Agosto taong 1995, isinilang ang isa pang bagong pasanin ng mundong inyong kinagagalawan, panibagong magdudulot ng kakulitan, kalokohan, kasiyahan, kalungkutan, problema at ibang bagay sa mga taong kanyang makakasalamuha. Isinilang sa mundo nang isang simple at masayang pamilya. Pangalawang biyaya (biyaya nga ba?) sa mag-asawang Marlon at Thelma Alcantara. At ang sanggol na iyon ay walang iba kung hindi ako… Ako si Marizthel Alcantara o maskilala sa tawag na “EK” sa pamilya Alcantara.
Isinilang ako sa isang masaya at may kaingayan ding pamilya.Mayroon akong isang nakakatandang kapatid sya ay si Valerie Alcantara. Apat na taon ang tanda nya sa akin ngunit kahit ganoon ay nakakalaro ko pa din siya. Lumaki kaming magkapatid na magkahiwalay. Lumaki ako sa Tita ko at lumaki naman sya sa lola ko. Ito ay dahil parehong nagtatrabaho ang aming mga magulang. Muli lang kaming nagkasamang magkapatid ng sinamahan kami ng isa naming pinsan sa aming bahay. Siya ang nagsilbing guardian namin noon. Nung bata ako ay hindi ko kasundo ang lola at lolo ko, ito ay dahil lagi nila akong inaasar at ginagalit. Ngunit ng mamatay ang lolo ko kahit 2 taon pa lang ako ay isa ako sa pinakaumiyak ng sobra-sobra dahil kahit inaaway ako ng lolo ko hindi nya ako nakakalimutang bigyan ako ng Bear brand na gatas at saging nung nabubuhay pa sya. Nang magsimula na akong mag-aral ay ang ama ko na ang nakasama naming magkapatid. Ang Mama ko ang nagtatrabaho sa Maynila kaya’t minsan ay doon kami nagbabakasyon. Nang mga panahong ding iyon ay may kaya pa ang aming pamilya kaya’t laging may lakad, konting ayaan lang pupunta ng Enchated Kingdom o kaya magsuswiming o kaya naman ay bibisita sa mga malalayo naming kamag-anak. Ganyan magtrip dati ang aming pamilya.
Proud to be.!!! |
Ako nagsimulang mag-aral sa isang day care center sa San Pablo, at matapos noon ay nakaapat pa akong day care center sa aming lugar. Ito ay dahil sa mga panahong iyon ay masyado pa akong bata at lagi lang gustong pumasok sa eskwelahan na parang laro lang ang lahat. Masaya naman ako sa ginbagawa ko noon dahil lagi ako ang nakakakuha ng 1st honor sa apat na kinder na yun. Nang ako ay sinubukang ipasok sa Grade One sa paaralan sa aming baranggay ay nagkaroon ng problema, masyado pa raw akong bata ng mga panahong iyon (magaanim na taon pa lang ako nun) kaya’t hindi raw nila maaring tanggapin . Napagkasunduan na lamang na payagan akong papasukin pero bilang isang “SALING-PUSA” lamang. Nangangahulugan na hindi talaga ako kasali sa bilang ng mga estudyante. Pumayag ang mga magulang ko dito dahil sa usapan na kapag hindi ko kinaya ay ibabalik akong muli sa kinder. Hatid - sundo ako noon ng aking ama at pinakapaborito kong recess ay ang tinapay na “marie”. At pagdating naman sa mga proyekto at takdang aralin ay di rin ako nagpapahuli. Hanggang sa matapos ko ang Grade One at sa himala ay isa ako sa nagkamit g medalya sa aming klase. Ito ang tinuring ko na unang tagumpay na nakamit ko, napatunayan ko lang din na kaya kong makipagsabayan sa mga nakakatanda sa akin. At mula din sa tagumpay na yun, nagsimula ang isang mabigat na pagsubok para sa akin. Bagamat lubha akong bata kaysa sa iba kong kaklase ay nagawa kong makipagsabayan at makaangkop sa kanila. Nakapag-uwi rin ako ng medalya mula noong Grade two hanggang sa nakatapos ako ng elementarya.
Bago ako makatungtong sa Grade five ay isinilang ang bunso kong kapatid, si Kyle Harvey, nung una ay gusto ko siya pero habang lumalaki ay hindi na kami nagkakasundo. Ito ay dahil isa syang SPOILED-BRATT at lagi na lamang kinakampihan.
At nang ako ay nasa Ikalimang antas (Grade five) ay nakamit kong muli pinakamataas na ranggo, mula grade one ay hindi ako ang 1st honor namin, lagi lang akong pangalawa o pangatlo. At dahil dito nagkaroon ng problema sa aming paaralan at muntikan pang magkademandahan. Ito ay dahil hindi matanggap ng magulang ng dati naming 1st na naging 2nd na lang ang anak nila. Naging malaking problema ito dahil nagkaroon pa ng ibang isyu kaugnay nito. Dito na rin nagsimula ang laging pagkukumpara sa aming dalawa at pagkakaroon na kompetensya (sila lang naman ang nakikipagkompentensya di ako….) sa pagitan naming dalawa. Bago rin matapos ang taon ko sa Grade 5 ay naramdaman ko ang unang broken heart ko, ito ay dahil sa pag-alis ng ama ko papuntang ibang bansa (Dubai). Lubha kong dinamdam ang pag-alis nya dahil malapit ako sa kanya ( Daddy’s girl ako). Kaya’t kahit umakyat ako sa entablado at nakuha ang unang medalya ay malungkot pa din ang kalooban ko ng mga panahong iyon, inisip ko na lang na ang medalyang nakamit ko ay inihahandog ko sa aking ama.
Sa ikaanim na taon ko naman ay naging salutatorian lang ako pero masaya na ako sa nakamit ko na ito dahil ayaw ko na nang gulo at ano pa mang isyu. Isa pa ang adviser namin ay tiyahin ko kaya’t delikado kapag ako ang naging 1st. Ako pa naman yung tao na ayaw na ayw naiisyu.
Nang makatapos ako ng elementarya ay masaya na ako. Marami kasi akong natanggap na tulong at inasahang tulong. Naging malaking problema sa akin noong ang papasukan kong eskwelahan sa hayskul dahil madaming nangengealam at nagdedesisyon para sa akin. Ang daming skul ang pinagpipilitan nila sakin, LC, MSC at kung anu-ano pa na matataas na eskwelahan. Hindi ko pinili ang MSC kahit iskolar ako doon dahil nandoon ang 1st namin dati, tiyak na kapag nagkasama ulit kami ay walang kamatayang kumaparahan na naman iyon. At kapag sa LC naman ay nakapasok lang ako sa sumunod na seksyon sa Science doon. Ang nais ng pamilya ko ay makasama ako sa pinakamataas na seksyon. Hanggang sa pumasa at mapabilang ako sa Science seksyon ng Col. Lauro D. Dizon Memorial Highschool. Dito na nagsimula ang napakasayang paglalakbay ko sa buhay hayskul.
my true friends... |
Sa unang araw ko sa Dizon high ay takot na takot ako. Una sa lahat, bago lang ako sa lugar na iyon. Pangalawa, wala akong kilala sa paaralang iyon at ang malala ay hindi pa ako sanay sa buhay sa bayan noon. Naging masaya naman ang unang taon ko sa Dizon high. Bagamat naging mahiyain sa umpisa ay nagkaroon din akong ng mga bagong kaibigan at barkada. Salamat na din at naging kaklase kong muli si Badette na kaklase ko noong elementarya. Sa seksyon namin ay ako ata ang unang nagtatag ng unang barkadahan ang GANDAKADAS na kinabibilangan ng halos lahat ng babae sa seksyon namin peo ang samahang iyon ay naging pangalan lang dahil nagkaroon na ng ibang ibang grupo sa room namin. Ang EP4 (Danica , Ladilyn, Piwie at ako) ang kauna-unahan kong itinuring na matatag na barkada noong 1st yr. ako. Sila rin ang pinakamatagal kong nakaaway noon, isipin nyo mula 1st yr. hangang 1st month ng 3rd yr. ay away-bati kaming apat. Kahit sa unag taon pa lang ng hayskul life namin ay naging matatag na agad ang samahan namin. Kami ang unang nakakuha ng 1st sa play ng Ibong adarna. At ang ilan naming kalokohan ay naging dahilan kami ng pag-iyak at pagkagalit ng tatlo naming guro. Unang taon pa lang ay talagang sinubok na at pinatatag ang aming samahan. Isa sa mga hindi ko inaasahan sa unang taon kosa hayskul ay isa ako sa naging Top 10 students sa aming klase. Bagamat 1st yr. lang ako ay madami na din akong naging crushes noon..Ilan dito ay sina Mikko, Ej, Vj, CLT, Kuya Jhay 2x at Arjay.
Sa ikalawang taon ko naman sa hayskul ay naging masaya din at kakaiba ang lahat. Nagkaroon ako ng bagong mga kaibigan at barkada. Isa na rito ang grupo ko sa science ang Blue Team at ang batang EX . Naging matatag ang aming samahan dahil sa mga contest sa subject naming iyon. Sa panahong pa rin ito ay patuloy ang alitan sa pagitan ko at ng EP4 kasama na din si Criselda (Danica’s Angels). Kami rin ang unang Science section na nakapagkamit ng 1st place sa play ng Florante at Laura. At ang pinakamasayang parte ng 2nd yr. life ko ay nang mkamit ko ang ikaapat na rank sa aming section.
Eto na,.ang 3rd yr. life ko… Isa ito sa pinakamabigat na taon sa akin sa hayskul. Bagamat naayos ko ang problema ko sa Ep4 at kay Criselda at nagkaroon ulit ng bagong barkada, ang Dhark witchez (kasama rin si ate lhayrin), nagkaroon naman ng problema sa mga itinuring kong mga kapatid (Ate Claire at Ate Cielo). Ang taong ito ay naging magulo din, nagkaroon nang alitan ang Dharkwitchez at Blue Panthers (Kinabibilangan nila Ate claire) sa madaming dahilan. Naging magulo din dahil kay Jorgina na nagsisimula minsan ng gulo o away. Ito rin ang taon na umiyak ako nang sobra dahil sa test sa values dahil pinagbintangan nangongodigo. At ang pinakamasamang parte ng 3rd life ko ay nang mawala ako ng ganun ganun na lang sa Top 10 na naging malaking disappoinment sa pamilya ko. Sa taong ding ito naging bestfriend ko si Ladilyn (September 22, 2010), naging close kasi kami at lagi syang nasa tabi ko pero noong May 22, 2010, nagkaroon kami ng matinding away kayat naputol na ang pagtuturingan namin bilang bestfriends. At ang isa pa sa kahit papaano ay nagpasaya sa ikatlong taon ko sa hayskul ay nang magkaroon ako nang una kong band, ang “BANDA RITO, BANDA ROON”, nagkaroon din kami ng pagkakataong tumugtog sa concert ng Dizon.
At ang huli sa ngayon, ang 4th yr. life ko..ang pinakamasaya at pinakamamimiss kong parte ng buhay ko. Sa taong ito, nakaranas ako ng ibat-ibang bagay at pagkadami-daming biyaya mula sa Diyos. Una na rito ay ang patuloy na pagkakasundo at paigging masclose ng section namin. Pangalawa, ang pagbalik ko sa Top 10. At ang higit sa ipinagpapasalamat ko ang pagkakahanap ko sa bestfriend na matagal ko ng hinahanap. Siya ay si Camille joy Apolonio na kapatid ni Ate Claire. Kahit di kami magkabatch ay super important yan sakin. At ang isa pa sa mga bagay na naranasan ko sa taong ito, ay ang magkaroon ng pinakamatinding crush (actually first love na nga ata ih). Nagkaroon ako ng crush sa isang batchmate ko. Iba ang seksyon nya sa akin nagkatext lang kami dahil sa kaklase ko. Sa kanya ko lang naramdamang masaktan kasi may iba syang nililigawan at gusto. Super sweet sya sa akin bilang Friend nga lang. Hanggang ngayon ay patuloy pa din ang koneksyon namin. Madami pa akong naranasan ngayong 4th yr.. Trippings with my Ate Claire at Ate Cielo. At madami ang happy moments kasama ang 4Science.
Madami na akong naranasan at natutunan sa mga nakaraang taon ng buhay ko pero alam kong hindi pa sapat iyon para tapusin ko ito. Kulang pa kung tutuusin ang mga naranasan ko.Madami pa akong obligasyon at pangarap sa pamilya ko. At tinitiyak ko na bago ko lisanin ang munding ito, itutuloy ko ang Talambuhay na ito…..
Masaya ang buhay ko.. At gusto ko pang ipagpatuloy ito kasama ang mga mahal ko….
No comments:
Post a Comment