Friday, February 11, 2011

Hanggang sa Huli…

       “ Were Sisters not through blood but were Sisters through our Hearts”
           
               Yan ang patuloy na pinanghahawakan at patuloy na pinaniniwalaan ng tatlong estudyante sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Mula sa unang antas sa hayskul ay magkakaklase na sila ngunit nung una ay may kani-kanilang kinabibilangang grupo ang tatlo. Sila ay sina Clarence,Shana at Andrei. Pare-pareho silang nabibilang sa pinakamataas na seksyon sa kanilang paaralan. Nabuo ang kanilang samahan noong sila ay nasa ikalawang antas pa lamang sa hayskul na pinangalanang “BATANG EX”. Nabuo ang pangalang ito dahi;l nang mga panahong iyon ay pare-pareho silang iniwanan o nawalan ng mga tinuturing na matalik na kaibigan. Malaki ang pagpapahalaga ng tatlo sa kanilang mga “Bestfriend” kaya’t lubhang naging malaking puwang sa kanila ang pag-iwanan ng mga ito.Nabuo ang pangalang ito mula sa salitang EX-bestfriend. Madami ring pinagkakasunduan ang tatlo kaya’t naging matagumpay ang kanilang pagkakaibigan.Ngunit kahit ganun ay hindi pa rin nakakalimot ang tatlo sa mga tunay nilang kinabibilangang grupo.
                Isang araw ay nagkausap sina Clarence at Andrei tungkol sa mga bagay hanggang matanung ni Andrei si Clarence na..
“Bakit hindi mo ituring na bestfriend si Ate Shana?.”                         
Hindi tumugon si Clarence sa tanong na iyon na para bang may tumatakbo sa isip at tila napaisip. Lumipas ang mga araw at panahon unti-unting nagkapuwang  sa pagitan ng tatlo, naging abala sila sa kani-kanilang dating grupo. Hindi kalaunan ay nalaman na lang ni Andrei na sinunod ni Clarence ang payo niya. Masaya naman si Andrei para sa dalawa pero hindi nya maintindihan  kung balit sa kailaliman ng puso nya ay nakaramdam sya ng kalungkutan.
Nagdaan ang mga araw at buwan sa buhay ng tatlo. At nang sumapit na sila sa ikatlong antas sa hayskul ay nagkaroon na nang malaking pagbabago.Naayos na ni Andrei ang naging problema nya noon sa barkada nyang Wicthez na kinabibilangan ng dati nyang bestfriend habang sina Clarence at Shana naman ay nagkaroon ng bagong barkada ang Bpanthers. Sa simula ay lubhang tahimik at maayos ang samahan ng dalawang grupo at ang tatlo ay nagkakasama-sama parin. Hanggang dumating ang panahong nagkagulo o nagkaroon ng problema sa pagitan ng dalawang grupo dahil sa asaran at hindi pagkakaunawaan. Naging malayo ang loob ng Bpanthers sa halos buong klase nila dahil lubha silang napalapit naman sa mga lalaking kaklasena naging isa rin sa dahilan upang mapalayo pa sila. Dahil sa pangyayaring ito, si Andrei ang pinakanaapektohan pagkat ang dalawang grupo ng nagkakaroon ng problema ay pareho nyang kinabibilangan. At higit pa ay naiipit sya sa tinuturing nyang kapatid na sina Clarence at Shana at sa una nyang barkada. Malaki ang naging problema sa pagitan ng dalawang grupo. Hanggang dumating ang isang araw na sumobra na ang away at sa di inaasahan ng lahat,Isang kaklase niloa ang nagpapalabas na kasalanan ni Andrei ang laha. Sa kanya natuon ang problema sa dalawang grupo na lubha namang di nya maintindihan. Mula nang araw na iyon ay napagdesisyonan ni Andrei na gagawa sya ng paraan upang maayos ang lahat. At sa tulong na din ng ibang kamag-aral ay napag-ayos din ang dalawang grupo kahit papaano bago matapos ang Ikatlo nilang taon.
Pagsapit nila sa ikaapat na ants sa hayskul ay nabawasan na ang buong klase nila tulad ng tradisyon at patakaran sa kanilang seksyon. Bumaba ang ilan dahil sa hindi napanatili ang limitasyon sa grado. At dahil sa patakarang ito, walo sa kanilang seksyon ang nawala kasama na dito ang ilang miyembro ng Bpanthers. Sa simula ng ikaapat na taon ay parang nangangapa pa ang lahat dahil sa mga nangyari sa kanila sa nakaraang taon. Hindi naman naglaon ay naibalik na sa dating sigla at saya ang seksyonng kinabibilangan ng tatlo. At ang higit pa ay muling nagbalik ang koneksyon ng tatlo sa isa’t isa. Higit pang napatibay at tumatag ang samahan nila. Halos lagi silang magkakasama at laging nagtutulungan. Sa buong klase nila, silang tatlo lang ang pinakanagtuturingan bilang magkakapatid.
Kung titingnan ay lubhang malapit si Andrei sa dalawalalong higit kay Clarence. Isang araw ay napagkuwentuhan ng dalawa ang dati rin nilang napag-usapan. At noon lang din nalaman ni Andrei na kung hindi nya pinayuhan si Clarence na ituring na bestfriend si Shana ay sya ang tatanungin nito. Nakaramdam si Andrei nang pnghihinayang at noon lang din nya naintindihan ang naramdamang nkalungkutan noon. Ngunit naging maayos din ang lahat matapos ang ilang araw, nanatiling sikreto ang naganap na usapan sa dalawa. Lumipas ang mga araw at lalong naging matatag ang samahan ng tatlo. Naging masaya rin si Andrei dahil nagkaroon na rin sya ng matalik na kaibigan na alam nyang di na sya iiwan,sya ay si Ceejay, nabibilang sa masmababang antas at kapatid na bunso ni Clarence. Dahil dito lalong napalapit ang tatlo. Lumipas man ang mga panahon at nagtapos sila sa hayskul ay nagpatuloy pa rin ang koneksiyon ng tatlo hanggang kolehiyo. Lubha man sxilang nagkalayo-layo ay gumagawa pa rin sila ng paraan upang magkasama-sama sa loob ng isang araw tuwing isang buwan. Tumagal ng tumagal ang pagkakaibigan ng tatlo hanggang makatapos ng pag-aaral. Ngunit bago makatapos ay naging parte na rin ng samahan si Ceejay dahil kay Andrei at sa kaniyang Kapatid. Humaba pa ng humaba ang samahan ng apat. Nagkaiba- iba man sila ng landas ay nanatili pa rin ang samahan, hindi lang ng pahgiging kaibigan kundi pagtuturingan na bilang magkakapatid.
Minsan man silang sinubok ng panahin ay patuloy pa rin ang kanilang samahan. Di nagtagal ay nakapagtayo sila ng isang restaurant malapit sa tabing dagat na nakilala sa buong bansa. Ito ay may pinangalanang “EX” at sa tuwing tititngnan ito nang apat ay bumabalik lang sila sa masasayang alalala ng kanilang hayskul Life.
Madami pa ang lumipas na taon ay naging matagumpay ang apat, nagkaroon sila ng magagandang buhay sa tulong na din ng bawat isa. Hanggang sa di inaasahan ay isang malaking dagok ang sumubok sa kanilang pagkakaibigan, nagkasakit ng malubha si Andrei. Lubhang nag-alala ang tatlo sa kalagayan ng kaibigan. Lagi nila itong sinasamahan at binabantayan. Hanngang sumapit ang kaarawan ni Andrei, tulad ng nakagawian ay nagdiwang sila ngunit ang kaibahan ay sa  hospital dinaos ang pagdiriwang. At ng tanungin si Andrei kung ano ang hiling nya ay nagulat ang lahat ng sinabi nitong gusto na nyang umuwi. Sa pagpupumilit ay pumayag ang tatlo sa kagustuhan ng may kaarawa. Sampung araw pa ang lumipas mula ng kaarawan ni Andrei ay humiling itong mabuop silang apat sa pinatayong restaurant sa ganap na ika-pito ng gabi. Inihanda ng tatlo ang restaurant dahil alam nilang espesyal ang araw na iyon kay Andrei. Ito ay sa kadahilanang noong hayskul ay iyon ang araw nila ng matalik nyang kaibigang si Ceejay.
Nang sumapit ang ika-pito ng gabi, tumunog ang celphone ni Ceejay at sinabing si Andrei ang nasa kabilang linya. Masayang-masaya at masiglang binati ni Andrei ang matalik nyang kaibigan at pinarating din nito ang lubhang  pasasalamat dahil naging kaibigan at kapatid nya ang tatlo.  Matapos sabihin ang mag ito ay binaba na ni Andrei ang teawag. Nagtaka ang tatlo dahil di man lang ito nagsabi kung pupunta pa o hindi. Makalipas lang ang ilang saglit ay tumunog naman ang telepono ni Clarence. Lubhang pagtataka ng dalawa ng makitang tumulo angmga luha sa mata ni Clarence. Pagkababa ng telepono ay nagulantang na rin ang dalawa ng sinabing binawian na ng buhay si Andrei eksaktong alas-syete ng gabi sa ospital. Sinabi rin na tanging ang litrato ng apat ang hawak-hawak nito. Parang gumuho ang mundong tatlo. Tanging nasambit na lang ay kahit sa kahuli-hulihang sandali ng kaibigan ay nais pa rin nitong kumpleto ang tatlo. Makalipas din ang panahon ay tuluyan ding natanggap ng tatlo ang pagkawala ng isang mabuting kaibigan at kapatid. At kahit nagkulang ay hinding-hindi pa rin mabubuwag at mawawala ang “BATANG EX” sa puso ng tatlo. At hanggang sa lilipas na panahon ay mananatiling buo pa rin ang samahan hanggang sa huli……..

3 comments:

  1. hahaha .. real life story ?? hehehe

    ReplyDelete
  2. hmmm ..kaba2sa q lang .. aixt parang alam q 2ng story na tuu ahh ?? hehehe :) ksu an lungkot ng ending .. huhuhu ;(

    ReplyDelete
  3. hehehe....katuwa noh pinatay ko sarili ko ahahahaha jowks...



    inspired lan ahaha

    ReplyDelete